14 – patay sa landslide sa Talisay, Batangas

Kinumpirma ni Batangas Provincial Police Office Provincial Director PCol Jacinto Malinao Jr. na 14 ang nasawi sa nangyaring landslide sa Talisay, Batangas dahil sa lakas ng buhos ng ulan na dala ng Bagyong Kristine.

Read More:  Palace says Baste Duterte’s ‘I don’t know’ defense could set dangerous example

Mula sa bilang na ito, 12 ang mga bata.

Ayon kay Malinao, na-retrieve mismo ang mga ito sa ikinasang retrieval operations.

Read More:  Prosecution panel plans to present Trillanes as next witness

Maliban dito, 2 mag-ina pa umano ang hinuhukay nila sa site.

Sa kasalukuyan, umakyat na sa 33 ang nakumpirmang namatay sa Batangas, habang nagpapatuloy pa ang paghahanap ng mga otoridad sa 11 nawawala pa.