Catanauan, Quezon – lubog sa lampas-taong baha

Lampas-taong baha ang naranasan ng mga residente sa Barangay 10, Catanauan, Quezon matapos hagupitin ng Bagyong Kristine ang naturang bayan.

Umabot sa bubong ng mga kabahayan ang naturang baha dahilan upang mahirapan ang mga rescuer na makapasok sa lugar.

Read More:  Two NPA rebels surrender, arms cache recovered in Bicol

Sa eksklusibong panayam ng Brigada News FM Lucena kay Governor Helen Tan, malaking hamon hanggang ngayon para sa kinauukulan na pasukin ang lugar dahil sa mataas na lebel ng tubig.

Hindi na rin madaanan ang ibang kalsada sa nasabing bayan dahil sa mga landslide at baha sa iba pang barangay.

Read More:  Habagat batters Davao Region: 909 families affected, four dead, five missing

Bukod dito, binaha rin ang ibat-ibang bayan sa lalawigan tulad ng Tagkawayan, San Francisco, Macalelon, Mulanay, at Calauag, Quezon.

Samantala, patuloy ang isinasagawang road clearing operation sa iba’t ibang bayan na humupa na ang baha. (WITH REPORTS FROM GLENDA MARQUEZ – 92.7 BNFM LUCENA)