Heart Evangelista nagsalita na sa umano’y hidwaan nila ni Pia

“Woman to woman, I never had a problem with Pia”

Ito ang naging pahayag ng aktress at fashion socialite na si Heart Evangelista nang tanungin siya hinggil sa umano’y hidwaan nila ni Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach.

Read More:  Dawn Chang gets surprise marriage proposal from NAPOLCOM commissioner Ralph Calinisan on game show

Ayon kay Heart naging fan at sinuportahan pa niya si Pia noon.

Matatandaang nagsimula ang isyu sa pagitan nina Heart at Pia nang maging katrabaho ng beauty queen ang dating glam team ni Heart na umalis sa poder nito.

Read More:  Claudine Barretto files cyber libel complaint against Cristy Fermin, Romel Chika

Sa huli ay nagpaabot pa ng mensahe si Heart at binati niya pa si Pia sa pagpasok sa mundo ng fashion.