LeBron nanatiling highest paid NBA player – Forbes

Nanatilining highest paid player ng NBA si Los Angeles Lakers star LeBron James.

Ayon sa Forbes, mayroong $48.7 milyon na sahod at estimated na $80 milyon ang taunang kita ni LeBron sa mga endorsements, licensing, memorabilia, at ilang mga business endeavors.

Nahigitan nito ang kaniyang kabuaang kita noong nakaraang taon na mayroong mahigit $124.5 milyon.

Sinabi ng Forbes, ito na ang pang-11 taon na hawal ni James ang nasabing titulo.