PBBM, nagpaabot ng pagbati sa bagong Presidente at Bise Presidente ng Indonesia

Nagpaabot ng pagbati si Pangulong Bongbong Marcos sa bagong Presidente ng Indonesia na si Prabowo Subianto at sa bagong Bise Presidente na si Gibran Rakabuming Raka.

Kasunod ito ng pagdalo ng Pangulo kasama si First Lady Liza Araneta-Marcos sa kanilang inagurasyon kahapon.

Read More:  Marcos names Rodil Zalameda as new Supreme Court chief justice

Sa kanyang mensahe, sinabi ng Pangulo na ang Indonesia ay long standing partner at malapit na kaibigan ng Pilipinas sa rehiyon bilang founding member ng ASEAN.

Muli ring binigyang diin ng Punong Ehekutibo ang hangarin nitong higit pang patatagin ang ugnayan ng Pilipinas at Indonesia lalo’t nalalapit na ang ika-75th anniversary ng diplomatic relations ng dalawang bansa sa buwan ng Nobyembre.

Read More:  PAGASA warns heat index could exceed 52°C in parts of the Philippines

Nabatid na umalis ng bansa sina Pangulong Marcos at First Lady Liza nitong araw ng Sabado, at nakabalik ng Pilipinas kaninang madaling araw.