Ilang senador – naghain ng resolusyon kasunod ng pagkapanalo ng gold ng isang Pinay teenager sa World Taekwondo Juniors Championship

Pormal nang naghain sina Senate President Pro Tempore Jinggoy Estrada at Senador Joel Villanueva ng resolusyon na naglalayong bigyang papuri ang pagkapanalo ng gold ng Pinay teenager na si Tachiana Kezhia Mangin sa 2024 World Taekwondo Junior Championship.

Read More:  DA says super El Niño won’t trigger food crisis as government prepares rice imports

Si Mangin, ang kauna-unahang babaeng nagkamit ng gintong medalya para sa bansa sa Junior Division- Women’s 49 kg category.

Kasunod nito, binigyang-diin ni Estrada na tila kinakatawan ni Mangin ang malaking potensyal na mayroon ang mga bagong henerasyon ng Pilipinong atleta.

Read More:  VP Sara Duterte denies Gracioso cash delivery claims

Samantala, ayon kay Villanueva, ang panalo rin na ito ay nakapagdadala ng inspirasyon sa bawat kabataan.