Maliliit na bansa sa Pacific, prayoridad sa loss and damage fund ayon sa DENR

Magiging prayoridad ang maliliit na bansa o small island development state sa Pacific region sa oras na umarangkada na ang loss and damage fund board.

Ito ang sinabi ni Department of Environment and Natural Resources Secretary Maria Antonia Yulo-Loyzaga sa isang press briefing sa Malacañang.

Read More:  Bantay Senado holds first barangay assembly on VP Sara impeachment trial

Anya, marami na raw sa mga bansang ito tulad ng Kiribati at Vanuatu sa Oceania ang nawawalan na ng coastal areas dahil sa pagtaas ng tubig-dagat na dulot ng climate change. May iba rin anyang nag oorganisa na ng migration sa ibang bansa dahil sa lala ng sitwasyon sa kanilang lugar.

Read More:  Napolcom to probe possible liability of police linked to Tacloban school shooting

Nilinaw naman ni Loyzaga na hindi isinasawalang bahala ng loss and damage fund board ang sitwasyon ng Pilipinas na nararanasan na rin ang masamang epekto ng pagbabago ng panahon, sadyang may mga bansa lang anyang mas nangangailangan ng agarang pagtugon.

Sa ngayon nananatili sa 700 million dollars ang pondo ng loss and damage fund board.