Drug war probe ni Sen. Dela Rosa, tinawanan ng isang mambabatas

Napapangiti na lang umano si Rep. France Castro sa gagawing imbestigasyon sa drug war ni Senador Bato dela Rosa sa Senado.

Ayon kay Castro, sino ba naman ang iimbestigahan ni Dela Rosa sa kanyang komite, gayong malinaw naman kung sino ang nagpasimuno ng madugong kampanya kontra ilegal na droga ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Read More:  Sara Duterte’s lead over Robredo narrows to 7 points – OCTA

Natatawa umano siya kung paano iimbestigahan ng dating hepe ng Philippine National Police ang kanyang sarili.

Tila ang mangyayari raw – iimbestigahan nito ang sarili niya sa sarili niyang komite.

Read More:  PPA prepares for expected surge in travelers during five-day ASEAN Summit holiday

Binigyang-diin ni Castro na umiiwas lang si Dela Rosa sa accountability.

Sa huli, tiniyak ng mambabatas na bukas ang Quad Comm na dumali si dating Pangulong Duterte upang magbigay ng linaw sa pinag-uusapang isyu.