Dela Rosa – tiniyak na hindi magiging ‘self-serving’ ang ikakasang drug war probe sa Senado

Sinabi ni dating Philippine National Police, Chief, Senador Ronald Bato Dela Rosa na may delikadeza naman siya kung kaya’t hindi siya agad nagsagawa ng pagdinig hinggil sa drug war.

Read More:  Remulla rebukes Bondoc over ICC warrant service

Pero dahil kinakailangan umanong i-check and balance ang mga nagiging alegasyon sa Kamara ay handa siyang pangunahan ito.

Ngunit pagtitiyak niya, mananatili lang siya sa pagtalakay sa katotohanan upang hindi ito maging ‘self-serving’.

Read More:  Ombudsman complaint filed vs ES Ralph Recto over alleged ₱167-B fund transfers

Samantala, magiging motu propio naman ang imbestigasyon hanggang hindi pa umano naire-refer sa kanya ang resolusyon ni Senador Christopher ‘Bong’ Go.