Muling hinikayat ng United Nations chief Antonio Guterres ang Israel na sumunod sa humanitarian law.

Kasunod ito ng tumataas na kaso ng mga napapatay na sibilyan dahil sa pinaigting na military operations ng Israel sa Northern Gaza at Lebanon.
Una ng sinabi ni Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu na kanilang uubusin ang mga Hezbollah at Hamas nasa Lebanon at Gaza.