Dalawang Kongresista – naghain na ng ethics complaint laban kay Cong. Wilbert Lee

Itinuloy na ng dalawang mambabatas ang paghahain ng ethics complaint laban kay Agri party-list Representative Wilbert Lee kaugnay sa umano’y naging ‘impromper conduct’ nito sa gitna ng deliberasyon noong September 25 sa mungkahing P6.325-trillion budget para sa susunod na taon.

Read More:  Philippine debt hits record ₱19.66 trillion in September

Ang naghain nito ay sina Barangay Health Workers party-list Representative Nica Co at Marikina Representative Stella Quimbo.

Kwento ni Quimbo, in-approach at itinuro siya ni Lee, at nagbantang magwawala siya kapag hindi ito pinagsalita.

Read More:  PAGASA warns heat index could exceed 52°C in parts of the Philippines

Ani Quimbo, magkakampi sila pagdating sa kanilang sense of duty, pero hindi kailanman magiging excuse ang pagiging bayolente.

Ang naging pag-approach aniya ni Lee ay nagdulot sa kanila ng takot, dahilan para mapaluha na rin ang mga ito.