Malacañang – tinanggap na ang resignation ni NAPOLCOM commissioner Leonardo

Tinanggap na ni Pangulong Bongbong Marcos ang resignation ni National Police Commission (NAPOLCOM) commissioner Edilberto Leonardo – ang taong iniuugnay sa pagpatay kay dating Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) board secretary Wesley Barayuga.

Batay sa sulat noong October 8 na naka-address kay Interior Secretary Jonvic Remulla, tinatanggap na ang naturang pagbibitiw sa puwesto, at ang agarang pagpapatupad nito.

Read More:  PAGASA warns heat index could exceed 52°C in parts of the Philippines

Mababatid na una nang sinabi ni House dangerous drugs panel chair and Surigao del Norte Representative Ace Barbers na dapat nang sampahan ng murder charges sina Leonardo at Police Colonel Royina Garma kaugnay sa assassination kay Barayuga.

Read More:  Marcos names Rodil Zalameda as new Supreme Court chief justice

Noong panahon na iyon, si Garma ang PCSO general manager habang si Leonardo naman ang commissioner ng NAPOLCOM.