Mayorya ng Pilipino – hindi iboboto ang mga kandidatong pro-China

Pito sa bawat sampung mga Pilipino ang nagsabing hindi nila susuportahan ang mga kandidatong sumusuporta sa China.

Sa naging resulta ng Pulse Asia survey, lumabas na 73% ng mga Pilipino ang nagsabing hindi nila bibigyan ng suporta ang mga kakandidatong pro-Chinese sa 2025 midterm elections.

Read More:  PCG logs over 37,000 passengers at seaports on first day of Undas 2026

Samantala, 5% naman ang handang sumuporta, habang 23% naman ang hindi sigurado kung susuportahan ba nila ang mga pro-Chinese candidates.

Read More:  Marcos details government preparations for Undas travel surge

Isinagawa ang survey nitong September 6-13 sa 1,200 respondents.