Inaasahang big-time oil price hike – nadagdagan pa

Lumobo pa ang inaasahang big-time oil price hike sa susunod na linggo.

Kung kahapon ay higit P2 lang ang estimates – matapos ang huling araw ng trading ay halos P3 na lahat ang posibleng umento sa presyo ng produktong petrolyo.

Read More:  PCG logs over 37,000 passengers at seaports on first day of Undas 2026

Sa pagtataya ng oil industry sources, may inaasahang P2.40 hanggang P2.60 na dagdag sa kada litro ng gasolina.

Read More:  PPA prepares for expected surge in travelers during five-day ASEAN Summit holiday

Mayroon namang P2.50 hanggang P2.70 na maaaring itaas sa kada litro ng diesel; at P2.40 hanggang P2.60 rin sa kerosene.

Ito na ang ika-apat na linggong sunud-sunod na taas-presyo sa diesel, at ikatlo naman sa kerosene.