Estudyanteng ninakawan ng motor, patay sa pamamaril sa Pasig

Patay ang isang 22-anyos na estudyante matapos siyang pagbabarilin sa tapat ng kanilang bahay sa Barangay Sumilang, Pasig City.

Kinilala ang biktima na si Allan Vincent Eugenio, na napagalamang kakauwi lamang mula sa kanyang trabaho bilang delivery rider.

Read More:  INC opposes planned plunder case against Marcoleta

Nilapitan siya ng dalawang suspek habang nagpa-park ng motorsiklo, at dito na siya pinaputukan ng maraming beses bago tangayin ang kanyang motor.

Read More:  Senate Impeachment Court orders VP Sara Duterte to appear Monday

Agad dinala si Eugenio sa ospital, ngunit binawian din ng buhay dahil sa sampung tama ng bala.

Hawak na ng mga awtoridad ang suspek na dati nang nasangkot sa mga kaso ng carnapping at tangkang pagpatay.