Umamin na ang isa sa mg officer ng operations ng Kingdom of Jesus Crist (KOJC) sa California sa kaniyang ginawang krimen kapalit ng isang plea deal.
Kinilala ang miyembro na si Marissa Duenas isang human resource officer na umaming guilty sa krimeng may kinalaman sa fraud kapalit nang pagbawas ng taon nang pagkakakulong.
Kabilang sa mga katiwalian ni Duenas ang pagpapanatili ng immigration status ng ilang KOJC member sa pamamagitan ng “sham marriages” sa mga kapwa KOJC members na residente na sa US.
Samantala, akusado rin ang isa pang miyembro ng KOJC na si Maria De Leon na sangkot sa parehong krimen at nakatakdang masentensiyahan sa Enero 27 ng susunod na taon.