‘Chinese Men’, naluklok sa Gobyerno?’

Ibinahagi ni Senador JV Ejercito na isa sa mga target niyang gawin noong nakaraang pagdinig ay ang pagkuwestiyon sa dating alkalde ng Bamban, Tarlac.

Ito ay upang matukoy umano niya kung paano nakatakbo si Alice Guo sa Tarlac sa kabila ng pagiging Chinese nito.

Read More:  Quezon City RTC issues arrest warrant vs. VP Sara Duterte

Anya, importanteng matalakay ito dahil baka pinaplantahan na ng China ang Pilipinas ng mga agents nito lalo na sa gitna ng isyu sa West Philipine Sea.

Ayon sa senador, bilang national official ay may ilan na siyang na-meet na elected officials na tila ‘Chinese man’.

Read More:  VP Sara Duterte posts bail after grave threats arrest warrant

Pagpapaliwanag niya, marunong naman siyang kumilatis ng mga Chinoy dahil nag-aral siya sa isang Chinese school kaya alam niya ang accents at itsura ng mga ito.