Pangulong Marcos, tiniyak na naka-monitor ang pamahalaan sa sitwasyon ng Bulkang Taal

Pinatutukoy na ni Pangulong Bongbong Marcos sa mga kinauukulang ahensya ng pamahalaan ang mga lugar na nangangailangan ng special attention kaugnay sa pag-alburoto ng Bulkang Taal.

Sa ambush interview sa Pangulo sa Pasig City, tiniyak nitong nakatutok ang pamahalaan sa sitwasyon ng bulkan.

Read More:  House prosecutor says VP Sara Duterte cannot be mere spectator in impeachment trial

Anya, alam na ng mga ahensya ng pamahalaan ang gagawin kapag may kalamidad, tulad rin ng pag may bagyo o lindol..

Read More:  Zambales marks 10th anniversary of WPS arbitral victory

Sa ngayon sinabi raw ng PHIVOLCS na walang dapat ipagalala sa sitwasyon ng Bulkang Taal, pero nakahanda naman daw ang pamahalaan sakaling kailanganing ilikas ang mga residente malapit sa lugar.