John Amores at kapatid nito, na-inquest na

Naisailalim na sa inquest proceedings ngayong hapon ang PBA player na si John Amores at 20-anyos na kapatid nitong lalaki matapos nilang barilin ang nakainitan nito sa larong basketball sa Lumban, Laguna.

Read More:  Hontiveros signals 2028 readiness, but says she will give way to stronger ally

Mag-aala una kaninang tanghali ng ibinyahe patungong RTC sa Sta. Cruz, Laguna ang magkapatid.

Sumugod naman sa Lumban Police Station si Shirley Cacalda, ang ina ng 32-anyos na lalaking biktima na pinaputukan ng baril ng PBA player.

Read More:  Sison rebukes Ligutan over ‘misleading questions’ post in impeachment trial

Ayon kay Cacalda, hindi sila magpapaareglo at hahayaan nitong maparusahan si Amores dahil sa mayabang ito.

Sa ngayon ay tikom pa rin ang bibig ng magkapatid na Amores.