Rambulan nauwi sa saksakan

Sugatan ang 15-anyos na binatilyo matapos mauwi sa pananaksak ang away ng dalawang grupo ng kabataan sa Bgy. NBBS Dagat-dagatan, Navotas City.

Pasado alas otso kagabi nang mangyari ang insidente na nakunan pa ng CCTV.

Read More:  384,527 families affected nationwide by bad weather

Ayon sa Navotas PNP, nagtamo ng dalawang saksak sa kaliwang braso at tagiliran ang biktima mula sa 16-anyos na suspek.

Read More:  Marcos pushes waste-to-energy program as flooding exposes Philippines’ garbage problem

Nasa kustodiya na ng Navotas City PNP ang suspek na nakatakdang dalahin sa Bahay Pag-asa.

Sa ngayon ay nagpapagaling na ang biktima.