Atty. Harry Roque, ‘kasalanan’ daw ang mga nangyayari sa Quad Comm

Naniniwala si House Committee on Public Order and Safety Chairman Dan Fernandez na kagagawan lahat ni dating Presidential Spokesperson Harry Roque ang nangyayari sa kanya ngayon sa Quad Committee.

Reaksyon ito ni Fernandez sa paghahain ng anak ni Roque ng writ of amparo upang protektahan siya mula sa mga alegasyon at umano’y pang-aabuso ng Quad Comm.

Read More:  Marcos maintains trust in Dizon amid SEA Games probe

Ayon sa kongresista, magkakaroon ito ng constitutional questions hinggil sa balance of power sa pagitan ng mga sangay ng gobyerno.

Seryoso aniya ang akusasyon ng grave abuse of discretion at paggiit na nagmalabis ang Kongreso sa authority nito.

Paliwanag ni Fernandez, kasalanan ni Roque ang contempt order na inilabas laban sa kanya dahil siya naman ang nagboluntaryo na isusumite ang mga dokumento kabilang ang tax records at SALN kaugnay ng pagkakasangkot nito sa Philippine Offshore Gaming Operators.

Read More:  Pulse Asia survey shows Sara Duterte, Bong Go leading 2028 race

Bagama’t inirerespeto ni Fernandez ang desisyon ni Roque na magpasaklolo sa korte, marapat lamang na tumalima ito sa ipinasusumiteng dokumento na kung tutuusin ay mas mahalaga kaysa presensya niya sa pagdinig.