PISTON at MANIBELA, binatikos ang tugon ng gobyerno sa kanilang ikinasang transport strike

“Hindi naman sila nagcocommute”

‘Yan ang naging pahayag ni PISTON National President Mody Floranda matapos igiit ng LTFRB na hindi naging matagumpay ang inilunsad nilang tigil-pasada.

Ayon kay Ka-Mody, inaasahan na nila na hindi successful ang laging tugon ng gobyerno sa kanilang inilulunsad na transport strike.

Read More:  Philippine Navy personnel injured in alleged China Coast Guard assault at Ayungin Shoal

Aniya, ang mismong naiistranded ay mga komyuter at hindi ito nararamdaman ng mga taga ahensya ng gobyerno dahil hindi naman sila nagcocommute.

Giit naman ni Manibela Chairman Mar Valbuena, marami sa mga studyante ang hindi nakapasok sa eskwelahan dahil sa kawalan ng masasakyan.

Read More:  Abalos backs DFA’s condemnation of China’s ‘monkey’ video

Ayon pa kay Valbuena, kapag nakasakay sa pribadong sasakyan ay hindi talaga maiistranded at matatraffic lamang.

Ganyan daw ang gobyerno ngayon, walang pakialam kung nahihirapan ang taumbayan.

Ngayong Martes ang huling araw ng kilos-protesta ng Piston at Manibela upang iprotesta ang pagbasura sa public transport modernization program at ibalik ang kanilang limang taong prangkisa.