Panukalang budget ng DOH at attached agencies, ilang beses na na-defer sa plenaryo

Tatlong beses na ipina-defer ni AGRI Party-list Representative Wilbert Lee ang plenary deliberations sa panukalang budget ng Department of Health sa susunod na taon.

Bunsod ito ng kakulangan umano ang aksyon at specific na plano hinggil sa pagbabawas ng gastos ng mga Pilipino sa medical services.

Sa pagsalang ng DOH, PhilHealth at iba pang attached agencies nito sa plenaryo ay hindi nasiyahan si Lee sa mga sagot patungkol sa implementasyon ng benefits increases.

Read More:  Pulong Duterte says Marcos won because of VP Sara

Nakadidismaya aniya na nagbibingi-bingihan at manhid umano ang ahensya sa hinaing ng mga Pinoy pagdating sa kakulangan sa serbisyong pangkalusugan lalo’t pinamumunuan ng DOH ang Benefits Committee na responsable sa policy directions at benefits development ng PhilHealth.

Giit ng kongresista, bilyun-bilyong piso ang pondo ng PhilHealth kaya kailangan na ng detalyado at komprehensibong plano kasama ang timeline sa kung paano maibababa ang gastos ng mga Pilipino sa pagpapaospital.

Nais din nitong ipatupad ang radical increase sa benefit package kabilang ang diagnostic tests, PET scan at MRI at CT scan pati na ang full coverage ng cancer treatments.

Read More:  PNP to deploy more personnel around Senate amid political tensions

Sa pulong balitaan ngayong araw ay aminado si Lee na naiinis siya na nagpapasahan ang mga opisyal at tinitingi-tingi ang benepisyo para sa mga pasyente gayong may 504 billion pesos na deposito na maaaring magamit.

Nakarating umano sa kanya na may mga team mula sa DOH o PhilHealth na makikipagpulong sa kanya bago ang muling pagsalang ng proposed budget bukas, araw ng Miyerkoles.