Roque, pinadi-disbar

Pinadi-disbar na si dating presidential spokesperson Harry Roque.

Ngayong umaga, naghain ng petisyon si Atty. Melvin Matibag – kapwa-miyembro ng Duterte Cabinet ni Roque, at dati ring opisyal ng PDP-Laban.

Aniya, dapat ay tanggalan na ng lisensya bilang isang abugado si Roque dahil sa paglabag nito sa professional responsibility at accountability.

Read More:  China warns of more entry bans over Jing Quan dispute

Ilan sa mga inihalimbawa ni Matibag ay ang ‘di umano’y pagpo-post ni Roque sa social media nang mga hindi verified na impormasyon.

Kabilang na rito ang ‘polvoron video’ umano ni Pangulong Bongbong Marcos.

Read More:  Palace urges Bato dela Rosa to surrender amid warning of potentially bloody arrest

Sabi ni Matibag – dapat ay may responsibilidad si Roque na i-verify ang isang impormasyon, bago niya ito ipakalat.

Kung maaalala – una nang lumabas sa verificaiton na posibleng manipulated, ‘o ‘deepfake’ lang ang naturang video ng Pangulo.