Wish ni BBM sa 67th birthday – pagbutihin ang agri sector

Mas maunlad na sektor ng agrikultura.

Ito ang hiling ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang ika-67 kaarawan.

Sa ambush interview matapos ang isang agriculture event sa Nueva Ecija, sinabi ni Pangulong Marcos na sana ay maramdaman ng bawat magsasaka sa Pilipinas ang programang ginagawa ng Department of Agriculture (DA).

Read More:  Philippine debt hits record ₱19.66 trillion in September

Wish umano nito na mabuo ang sistema ng agrikultura upang maging maayos ang takbo ng agriculture sector para gumanda ang buhay ng mga magsasakang Pilipino, at ng kanilang mga pamilya.

Read More:  PAGASA warns heat index could exceed 52°C in parts of the Philippines

Mababatid na dati nang nagsilbi bilang kalihim ng DA ang pangulo.