Sponsor ng OVP budget – naniniwalang magiging operational pa rin ang tanggapan sa kabila ng budget cut

Nanindigan si budget sponsor Rep. Zia Alonto Adiong na ‘fair’ at ‘reasonable’ lang ang ginawang pagtatapyas ng mungkahing pondo ng Office of the Vice President (OVP) para sa susunod na taon.

Sa isang pahayag, sinabi ni Adiong na ang pagbabawas sa pondo ng OVP ay hindi makahahadlang sa pagtugon nito sa kanilang mandato.

Read More:  BOC disposes remaining vehicles linked to Discaya couple

Tiniyak nito na magiging operational pa rin naman ang opisina ni Vice President Sara Duterte.

Mababatid na nagpasya ang House Committee on Appropriations na irekomenda ang pagtapyas sa panukalang budget ng OVP.

Read More:  DOLE Region III director suspended following Pampanga building collapse

Sa press conference sa Kamara kahapon, kinumpirma ni Appropriations Senior Vice Chairperson Stella Quimbo na mula sa 2.037 billion pesos ay iminungkahi ng mga miyembro ng komite na gawin na lamang itong 733.2 million pesos.