Quad Comm solon – pumalag sa pagtawag sa kanilang ‘kangaroo court’ ni Roque

Hindi palalampasin ng Quad Committee ng Kamara ang mga tirada ni dating presidential spokesperson Atty. Harry Roque.

Ito ang sinabi ni Surigao del Norte 2nd Dist. Rep. Ace Barbers kasunod ng sinabi ni Roque sa isang Facebook post na hindi na siya a-attend sa ‘kangaroo hearings’ ng komite.

Read More:  DepEd set to launch active shooter drills in schools

Ayon kay Barbers, noong naiipit si Roque at hinihingan ng mga dokumento, naging kung anu-ano na ang binibitawan nitong salita sa labas ng Kongreso.

Nung nasa loob naman kasi aniya ang dating tagapagsalita ng tanggapan, ‘very submissive’ ito, at nag-volunteer na magsa-submit ng mga dokumentong hinihingi ng mga kongresista.

Read More:  Atin Ito Coalition: declare July 12 as West Philippine Sea Victory Day

Ani Barbers, sa naging pronouncement ni Roque sa social media – makikitang tinitira at sinisira nito ang Quad comm.

Dahil diyan, hindi umano sila mananatiling nakaupo na lang sa gitna ng isyu.