Lalaki, arestado nang mahuling nagma-marijuana umano sa banyo ng sabungan sa Maynila

Sa kulungan ang bagsak ng 28-anyos na magsasabong matapos mahuling nagmamarijuana sa loob ng banyo ng Manila cockpit arena sa Tondo, Manila.

Base sa imbestigasyon, nagsasagawa ng patroling ang mga security guard sa loob ng sabungan nang may lumapit sa kanilang isang concerned citizen at iniulat na may nagmamarijuana sa loob ng banyo.

Read More:  PAGASA warns heat index could exceed 52°C in parts of the Philippines

Agad na tinungo ng mga gwardya ang banyo at dito na naaresto ang suspek.

Read More:  Philippine debt hits record ₱19.66 trillion in September

Nakuha sa kanya ang mga pinatuyong dahon ng marijuana gayundin ang mga ginamit nitong paraphernalia.

Kulong ang suspek na mahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.