Nilinaw ng House Appropriations Committee na maaari pa ring humarap si Vice President Sara Duterte sa plenaryo para sa 2025 budget ng Office of the Vice President (OVP).
Matatandaan kasi noong pangalawang hearing ay hindi dumalo si VP Sara na dahilan naman para ma-defer ang deliberasyon ng budget ng OVP.
Ayon kay Marikina Rep. Stella Quimbo, Senior Vice Chairperson ng House Appropriations Panel, maaari pa ring pumunta si Duterte sa kanilang mga debate sa plenaryo, at makapagsalita sa pamamagitan ng budget sponsor nito na si Rep. Zia Alonto Adiong.
Maaalalang tinapyasan ng halos P1.3B ang OVP budget.