Quiboloy mananatili sa Kampo Crame; 4 na kapwa-akusado nito pinalilipat na sa Pasig City Jail

Mananatili sa PNP Custodial Facility sa Kampo Crame si Apollo Quiboloy.

Habang sa BJMP Pasig naman dadalhin ang 4 na iba pang akusado nito na sina Jackielyn Roy, Cresente Canada, Ingrid Canada at Sylvia Cemañes alinsunod na rin sa kautusan ng Korte.

Read More:  Philippine Navy personnel injured in alleged China Coast Guard assault at Ayungin Shoal

Kasunod ito ng arraignment kaninang umaga at maghain ng not guilty plea sa kasong qualified human trafficiking.

Ayon kay BJMP Spokesperson, JCInsp. Jayrex Bustinera, walang security risk sa 4 na co-accused ni Quiboloy.

Read More:  Rescued Philippine Eagle Sawaga-Dalwangan dies during rehabilitation

Mamayang hapon naman babasahan ng sakdal sina Quiboloy at 4 na iba pa sa Quezon City RTC branch 106 para sa kasong Child at Sexual Abuse via video conference.