Ilang mga mayor – kasabwat daw ng ‘boss of all bosses’ ng POGO ayon sa PAOCC

Kinumpirma ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) na tukoy na rin nila ang mga mayor na kasabwat ng ‘boss of all bosses’ ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGO).

Ito ay matapos ma-iulat ng PAOCC ang pagkakakilanlan sa itinuturong ‘boss of all bosses’ ng POGO na si Huang Zhiyang, na sangkot ‘di umano sa mga kriminal na gawain.

Read More:  President Marcos net satisfaction falls to -15

Sa panyam ng Brigada NewsFm Manila kay PAOCC Spokesperson Winston Casio, sinabi nitong may mga alkade na may kaugnayan kay Huang Zhiyang na tumulong din upang makatakas ng Pilipinas.

Aniya, nang matapos ang ilang araw na pag-raid sa Bamban, at makakuha ng mga sapat na ebidensiya upang maaresto ito, ay agad naman siyang nawala.

Read More:  Labor group pushes ‘no work, no pay’ rule in Senate

Kaugnay nito, natukoy naman na nila ang ilang mga indibidwal na tumulong kay Huang, at inaayos na ang report para sa Executive Secretary upang ma-isumite na sa Pangulo.

Samantala, wala namang ibinigay na numero si Casio kung ilang mayor ang sangkot sa naturang isyu.