Ipinaabot ni PNP Chief Gen. Rommel Francisco Marbil ang pasasalamat ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga pulis na naging bahagi ng matagumpay na paghahanap kay Apollo Quiboloy at iba pang kapwa-akusado nito sa Kingdom of Jesus Christ compound.
Personal itong ipinarating ni Gen. Marbil nang magtungo sa Police Regional Office XI sa Davao City kahapon.
Ayon kay Marbil, nagkausap sila sa pamamagitan ng text ni Pangulong Marcos
Bukod sa pasasalamat, naiisip din ng Pangulo na bigyan ng premyo ang mga pulis.
Ipinaubaya naman ni Marbil kay Interior Sec. Benhur Abalos Jr. ang rekomendasyon patungkol dito.
Sa huli, iginiit ni Marbil na huwag mabahala ang mga pulis dahil wala silang ginawang mali at gumawa lamang sila ng tama sa pagsisilbi ng warrant of arrest.