Kongresista – umaasang payagan din ng Korte na maka-attend si Guo sa quad comm hearing

Naniniwala naman ang ilang mga mambabatas na mas maigi kung makadadalo rin si dismissed Bamban mayor Alice Guo sa pagdinig ng Kamara, partikular na ang quad comm.

Kung maaalala – bagamat sa custodial facility ng PNP napunta si Guo – pinahintulutan pa rin ng Korte na makadalo ito sa pagdinig ng Senado sa Lunes.

Read More:  PAGASA warns heat index could exceed 52°C in parts of the Philippines

Sa isang ambush interview, sinabi ni House Deputy Speaker Jayjay Suarez na umaasa rin silang mapadadalo sa quad comm inquiry si Guo.

Read More:  Philippine debt hits record ₱19.66 trillion in September

Nakatakda ang susunod nilang pagdinig sa Huwebes, September 12.

Mababatid na pinagbigyan ng Korte ang hiling ni Sen. Risa Hontiveros na padaluhin si Guo sa Senate inquiry.