MECO chair Bello, wala pa umanong natatanggap na utos para palitan siya ni dating PCO Sec. Garafil

Wala pa umanong pormal na abiso para sa paglipat kay Atty. Silvestre Bello III mula sa Manila Economic and Cultural Office (MECO) papunta sa ibang ahensya..

Ito ay makaraang mapalitan si Presidential Communications Office (PCO) Secretary Cheloy Garafil at napabalitang ililipat sa MECO.

Read More:  Daughter of JPE responds to Cayetano following “uncle” remark

Sa isang panayam, sinabi ni Bello na hanggang sa ngayon ay wala pang pormal na abiso sa kaniya ang Pangulo.

Narinig niya lang daw ito sa balita, at wala pa ring opisyal na papel para rito.

Sa ngayon, tuloy pa rin umano siya sa trabaho bilang MECO chair hanggat ‘di pa siya pinapalitan.

Read More:  Ombudsman suspends Senate Sgt.-at-Arms Aplasca

Kung maaalala, kamakalawa nang manumpa na ang broadcaster na si Cesar Chavez bilang bagong PCO Secretary.

Si Bello ang nagsilbing Labor Secretary at Presidential pease Adviser sa ilalim ng Duterte administration.