Tuluy-tuloy pa rin ang paghahanap sa kinaroroonan ng kapatid ni dismised mayor Alice Guo na si Wesley.
Kung matatandaan – ikinuwento ni Shiela Guo na sabay-sabay silang pumuslit sa bansa, kasama sina Alice at Wesley.
Sa isang panayam, sinabi ni Bureau of Immigration Fugitive Search Unit (BI-FSU) chief Rendel Sy na tinutunton pa rin ang huling lokasyon ni Wesley.
Aniya, posible raw kasing naka-alis na ito ng Indonesia.
Vine-verify na rin daw nila ang ulat na baka nga nasa Hong Kong na ito.
Kung maaalala – sa naging panayam ng Brigada NewsFM Manila sa abugado ni Alice na si Atty. Stephen David, kinumpirma nitong nais na ring sumuko ni Wesley at bumalik dito sa Pilipinas.