PBBM, itinuring na tagumpay ang pagbagal ng inflation rate nitong Agosto

Maituturing na tagumpay para sa bawat Pilipino ang pagbagal ng inflation rate nitong buwan ng Agosto.

Sa kanyang X account, sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., dapat ipagdiwang ang pagbagsak sa 3.3% inflation rate ngayong Agosto mula sa 4.4% noong Hulyo.

Read More:  Marcos names Rodil Zalameda as new Supreme Court chief justice

Ibinida ng Pangulo na matapos bawasan ang taripa sa bigas, sumadsad din ang rice inflation mula 20.9% hanggang 14.7%.

Read More:  Philippine debt hits record ₱19.66 trillion in September

Kasabay nito, bumaba rin aniya ang meat inflation mula 4.8% hanggang 4.0% na aniya’y malaking ginhawa para sa pang-araw-araw na gastusin ng mga pamilyang Pilipino.