Atty. Stephen David – nanindigang hindi nagsinungaling sa kinaroroonan ni Alice Guo

Iginiit ni Atty. Stephen David, ang legal counsel ni dismissed Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo na hindi siya nagsinungaling sa pahayag nito hinggil sa kung nasaan ang alkalde.

Ayon kay David, kayang magpatotoo ng media rito dahil sa lahat umano ng kanyang interviews, consistent siya sa pagsasabing naka-rely lang siya sa sinasabi ng kanyang kliyente.

Read More:  Marcos warns LGU officials against corruption in ₱8.6-B disaster funds

Ibig sabihin aniya nito, ine-echo niya lang ang deklarasyon ni Guo na nasa bansa pa ito.

Read More:  PCG logs over 37,000 passengers at seaports on first day of Undas 2026

Sa kabila niyan, aminado si David na hindi niya makumpirma ang mga impormasyong sinasabi ng alkade.

Wala rin umano siyang ideya kung nasaan ito.