Grupo, umapela sa Gobyerno na payagan din ang iba pang bakuna kontra ASF na makapasok sa bansa

Nanawagan ang grupong SINAG sa pamahalaan na papasukin na ang iba pang bakuna kontra African Swine Fever.

Ito ay sa gitna ng nagtpapatuloy na bakunahan kontra ASF sa Batangas.

Sa panayam ng Brigada NewsFM Manila kay SINAG Executive Director Jayson Cainglet, sinabi nitong may iba pang mga bakuna na hindi nakapapasok sa bansa.

Read More:  Apple to provide 170,000 MacBook Neo laptops to public schools nationwide

Aniya, dapat na itong papasukin sa Pilipinas para na rin maiwasan ang agam-agam na may pinapaboran ang Department of Agriculture (DA) sa kukuhaning bakuna.

Read More:  Authorities seize ₱99.4 million worth of ketamine in two shipments from Switzerland and Amsterdam

Nilinaw din nitong ang bakuna mula Vietnam ay para talaga sa mga biik, kay amas maigi kung mayroong bakuna na all-in-one na posibleng mas epektibo sa mga inahin.

Sa kasalukuyan, maliban sa AVAC vaccine, apat hanggang lima pang klase ng bakuna ang hindi pa nakapapasok sa bansa.