Cafgu na sumagip sa nabaril na City Police pinarangalan

Binigyan ng pagkilala ng tanggapan ni BTA Member of Parliament Dr. Susana Salvador-Anayatin at opisina ng Office for Settler Communities ang isang myembro ng Cafgu Active Auxiliary matapos magpakita ng kabayanihan kamakailan.

Mismong si MP Dr. Anayatin kasama si Deputy Director Peping Morales ang nag- abot ng certificate of Heroism kay CAA Jake D. Bucaling.

Read More:  Philippine Serpent Eagle rescued in Kidapawan

Ang pagawad ng parangal ay bilang pagkilala sa  matapang at bayaning pagkilos  ni Bucaling sa pagsagip sa nasugatang pulis na binaril ng hindi kilalang salarin sa bahagi ng Sinsuat Avenue  sa Cotabato City noong gabi ng Agosto 16, 2024.

Read More:  Bus loses brake control, collides with backhoe in Zamboanga del Sur; Several injured

Matatandaang biktima ng pamamaril ang myembro ng Traffic Enforcement Unit habang sakay ng kanyang motorsiklo .