Intelligence network ng mga enforcement agencies, tila naging mahina umano kasunod ng naging pagpuslit ng mga Guo

Naniniwala si Senador Sherwin Gatchalian na may kahinaan ang intelligence fund na ginagamit para bumuo ng intelligence network ng Philippine National Police (PNP), National Bureau of Investigation (NBI), at Bureau of Immigration (BI).

Ito ay matapos ibunyag kahapon ni Shiela Guo na sabay-sabay silang sumibat nina Alice at Wesley Guo sa bansa.

Read More:  Ombudsman says INC rally won’t stop Marcoleta probe

Sa panayam ng Brigada News FM Manila kay Gatchalian, sinabi nitong tila may kahinaan ang paggamit ng intelligence fund, kaya hindi napigilan ang ginawa ng mga Guo.

Read More:  INC opposes planned plunder case against Marcoleta

Ayon kay Gatchalian, sa harap ng pagiging malaki, malawak, at pagiging pulo-pulo ng Pilipinas – mahalagang bumuo ng intelligence network.

Aniya, dapat palakasin pa ng mga enforcement agencies ang intelligence nito upang maiwasan na ang mga insidenteng pagpuslit ng ganitong klaseng mga tao.