Sen. Hontiveros – muling nanawagan kay Quiboloy na lumabas na upang matigil ang gulo

Naniniwala si Senadora Risa Hontiveros na hindi kailanman magiging katanggap-tanggap ang police brutality ganun din ang pagsisi sa pulisya sa hindi naman nila ginawang agresibong aksyon.

Kasunod nito, muli nanawagan ang senadora kay Apollo Quiboloy na lumantad na at harapin ang mga kaso laban sa kanya.

Read More:  Death toll from Typhoon Inday, Habagat climbs to 18

Anya, sa pamamagitan nito ay matitigil na ang kaguluhan at maiiwasan ang sakitan ng bawat indibidwal.

Lumalabas kase sa mga ulat na may isang Kingdom of Jesus Christ (KOJC) member ang namatay dahil sa cardiac arrest sa naging operasyon habang may ilan din sa mga ito ang sinasaktan ang kapwa nila kasamahan para sisihin ang pulisya.

Read More:  LTFRB reviewing measures amid looming fuel price increase

Maalala, umabot sa mahigit dalawang libong pulisya ang idineploy sa KOJC compound nitong weekend upang magsilbi ng warrant of arrest laban kay Quiboloy.