Sunog, sumiklab sa isang residential area sa Sitio Puting Bato sa Navotas City

Nabulabog ang mga residente ng Sitio Puting Bato sa Brgy. NBBS, Navotas City matapos sumiklab ang isang sunog bandang alas onse bente kaninang umaga.

Tumagal ng mahigit isang oras ang sunog na umakyat pa sa ikalawang alarma bago tuluyang naapula.

Read More:  SC seeks comment on VP Sara Duterte impeachment vote rule

Mabilis na kumalat ang apoy dahil sa dikit dikit ang mga bahay na pawang gawa sa light materials.

Nahirapan ding pumasok ang mga bumbero sa lugar kaya binutas nila ang pader para mabugahan ng tubig ang nasusunog na mga kabahayan.

Read More:  Philippine debt hits record ₱19.66 trillion in September

Sa ngayon ay patuloy pa ang imbestigasyon sa sanhi ng sunog at kung magkano ang halaga ng pinsala sa mga ari-arian.