NBI, hinamon ang kampo ni Guo at Ong na magsampa ng kaso kung may nangayaring unlawful

Hinamon ni National Bureau of Investigation Director Jaime Santiago ang mga abogado nina Shiela Guo at Cassandra Li Ong na sampahan sila ng arbitrary detention case.

Ito ay kung may nalabag ang NBI sa mahigit tatlong araw na pananatili nina Guo at Ong sa detention facility mula nang makabalik ang mga ito sa Pilipinas.

Read More:  Robredo sees no political bias in Marcos calamity fund distribution

Giit ni Santiago, walang unlawful detention sa dalawa dahil mula pa noong araw ng Biyernes hanggang nitong Lunes ay holiday.

Read More:  Apple to provide 170,000 MacBook Neo laptops to public schools nationwide

Ayon sa NBI may mga proseso silang ginagawa gaya ng pagsasaayos ng mga dokumento at pagsampa ng hiwalay na kaso kina Guo at Ong.