Carlos Yulo, walang babayarang buwis sa mga natanggap na premyo – BIR

Inanunsyo ng Bureau of Internal Revenue na hindi na kailangan pang magbayad ng tax si Paris Olympics gold medalist Carlos Yulo sa mga natanggap nitong premyo.

Read More:  DSWD assures psychosocial support for those affected by Tacloban school shooting

Ayon kay BIR Commissioner Romeo Lumagui Jr., exempted si Yulo mula sa tax ng mga natanggap niyang premyo at gantimpala.

Sa ilalim kasi ng Tax code ng Pilipinas, hindi papatawan ng buwis ang lahat ng premyo at gantimpala ng mga Pilipinong atleta na nanalo sa anumang local at international spots.

Read More:  Tacloban school shooting death toll rises to 4; police recover 40 shell casings

Hindi aniya siya obligado na magbayad ng buwis sa kita para sa mga ito.