KOJC member – patay sa paghalughog ng compound ni Quiboloy

Kumpirmado ang pagkamatay ng isang miyembro ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC) ni Apollo Quiboloy.

Ito’y sa gitna ng nagpapatuloy na pagsisilbi ng alias warrant of arrest sa compound ng televangelist.

Ayon sa PRO-XI, cardiac arrest ang ikinamatay ng isang lalaking 50 taong gulang.

Read More:  Ateneo holds 40th-day memorial mass for Baterbonia and Adili

Nilinaw naman ng kapulisan na inatake ito sa puso dahil sa ‘pagod’, at hindi dahil sa takot ng kanilang operasyon.

Sa ngayon, 1/4 pa lang sa halos 30 ektarya ng compound ang na-inspect ng mga otoridad.

Read More:  Several children saved in Davao del Sur anti-online sexual abuse raid

Sabi ni PRO-XI Regional Director BGen. Nicolas Torre – mananatili ang kanilang presensiya hanggang ‘di pa natatapos ang pag-inspect sa lahat ng mga istruktura.

Itinanggi rin nitong gumamit sila ng tear gas sa naturang operasyon.