Netizens, naantig sa video ng isang bata na bumisita sa libingan ng ina para magsumbong

Marami ang naantig at napaluha sa video ng isang bata na binisita ang namayapang inang nakahimlay sa Marian Hills Memorial Park sa Awang, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del Norte.

Sa binahaging video ng isang Yhang Santiana, tiyahin ng bata, kagagaling lang ng bata mula sa paaralan at dumiretso sa puntod ng kanyang ina.

Read More:  Live bullet and bullying note found inside Bacolod university

Dala nito bilang pasalubong sa ina ang softdrinks at pagkain saka inilapag, lumuhod ito at hinalikan rin ang lapeda ng ina.

Kasabay nito ang pagbuhos ng kanyang mga luha habang nagpapaalam.

Read More:  Dumanjug Mayor’s driver’s license suspended for 90 days after viral crash in Cebu

Ayon kay Santiana, may isinumbong lamang daw ang bata sa kaniyang ina.

Dahil dito maraming netizens ang naantig at napaluha dahil sa murang edad ay ramdan nila ang pangungulila ng bata sa namayanang ina.