Babae, binaril habang natutulog

Binaril sa ulo ang isang babae habang natutulog bandang alas 07:00 ng gabi ng Huwebes, Agosto 22, 2024 sa Bajaowan Sitio Puntod, Barangay Mambaling, Cebu City.

Nasa ospital na sa lungsod ang babae binaril.

Read More:  Once tagged among Negros’ poorest, Ilog bets on homegrown doctors, lawyers

Sa inisyal na imbestigasyon, habang natutulog ang nasabing babae sa area, lumapit ang dalawang hindi pa nakikilalang lalaki.

Isa sa mga ito ang bumunot ng baril at binaril sa ulo ang babae na nakasuot ng asul na t-shirt at striped na short pants.

Read More:  7-meter whale shark found dead along Bacolod City coast

Wala umanong nakakakilala sa naturang babae sa lugar.

Sa ngayon, patuloy ang imbestigasyon ng Mambaling Police Station.