Mga abugado ni Alice Guo – may kahaharapin umano sakaling mapatunayang nagsinungaling

Tiniyak ni NBI Director Jaime Santiago na mananagot ang mga abugado ni Alice Guo kung mapatunayang nagsisinungaling ang mga ito.

Sa pulong balitaan sinabi ni Santiago na dumating sa DOJ si Atty. Elmer Galicia noong pinatawag siya at giniit nito na nakita niya si Guo at nagpanotaryo pa sa kanya noong August 14.

Read More:  PNP identifies two suspects in Mima Alicia killing

Hindi naman matiyak ng direktor kung tunay ang impormasyon na noong July 28 pa nakalabas ng bansa si Guo.

Hindi raw niya alam kung nagsasabi ba si Atty. Galicia ng totoo.

Read More:  Marcos nears completion of fifth SONA speech

Sa normal na proseso kase ng pagpapanotaryo ng dokumento ay kailangan haharap ang mismong nagpapanotaryo sa abogado at hindi pwede ipapadala na lamang.

Kung mapapatunayan namang nagsisinungaling si Galicia ay sasampahan siya ng kasong perjury at tatanggalan siya ng lisensya.