LEGAZPI CITY – Nananawagan ang Philippine National Police–Police Regional Office 5 kay incumbent Daraga, Albay Municipal Mayor Carlwyn Baldo na kusang mag-turn in sa mga otoridad at harapin ang kasong isinampa laban sa kanya.
Isinampa sakanya ang Double Murder Case kaugnay ng pagpaslang kay dating Ako Bicol Party-List Representative Congressman Rodel Batocabe, pati ang kanyang police escort sa Barangay Burgos ng
nasabing bayan noong taong 2018.
Sa panayam ng Brigada News FM Legazpi kay PNP Bicol Regional Director PBGen. Andre Perez Dizon, sinabi niya na kahapon mismo, natanggap ng kanilang opisina ang kopya ng warrant of arrest.
Gayundin, isinilbi nila ito sa address na nakalagay subalit wala roon ang alkalde.
Tangi umanong mga kasamahan ni Baldo ang naabutan, subalit tipid din naman ang mga pahayag kaya’t hindi na sila nagpumilit pa Oras umano na humarap na si Baldo, itu-turnover siya sa Regional Trial
Court sa National Capital Region at sasabihin kung saan siya ide-detain.
Samantala, kung babalikan ang pangyayari noong Disyembre 22, taon 2018, sa gift-giving activity para sa senior citizens at persons with disabilities sa Burgos Elementary School, bandang alas tres ng hapon,
binaril si Batocable at ng kanyang police escort.
Sinubukan pa itong itakbo sa ospital, subalit hindi na umabot na buhay. (with reports from ALYZZA BALLON – 91.5 BNFM LEGAZPI)