‘Nakaaalarmang’ pagtaas ng kasong dengue, iimbestigahan sa Senado

Pagprotekta sa kalusugan ng bawat mamamayang Pilipino ang isa sa mga obligasyon ng Estado ayon sa nakasulat sa Republic Act No. 11332 o Mandatory Reporting of Notifiable Diseases and Health Events of Public Health Concern Act.

Sa ilalim nito, sinasabi ring kailangang magkaroon ang bansa ng epektibong disease surveillance at response system.

Read More:  Marcos maintains trust in Dizon amid SEA Games probe

Bilang tugon dito, pormal nang naghain ng resolusyon si Senadora Nancy Binay na naglalayong paimbestigahan ang nakaalarmang pagtaas ng kasong dengue sa bansa.

Kasunod ito sa mga ulat na mas mataas na ang tala ng kaso ng dengue ngayong taon kumpara noong nakaraang taon kung saan ang dating 107,953 na kaso ng dengue ay nasa 150,354 na ngayon.

Read More:  Pulse Asia survey shows Sara Duterte, Bong Go leading 2028 race

Kaugnay nito, marapat lang umanong mabigyan ng impormasyon ng Department of Health (DOH) ang publiko hinggil sa overall state ng dengue outbreak sa bansa upang maresolba ang problema hinggil dito.

Ani Binay, sa pamamagitan nito ay maiiwasan din ang pagkawala ng buhay ng ilang mamamayang Pilipino.